Usapang lasing…na naman?!?!

May 11th, 2008

OO!!! Ahahaha at ang pangatlong biktima ay si Axel!

Scene: Tapos na ang mga laro kung san ang talo ay iinom. Natalo si Axel with flying colors LOL!!!

Kami: So hindi ka lasing?!

Axel: Hindi!

Kami: O sige nga…spell WHAT!

Axel: WHAT! W-H-A…A-T!!!

LOL!!! Sumobra! Ahahahaha

Maraming maraming salamat sa mga dumalo sa napakasayang EB kagabi!!! :)

At espesyal na pasasalamat kay Lethalverses para sa pag alok ng kanyang bahay!!! :)

Pano…pano…

May 10th, 2008

Pano nangyari to?!?! LOL!!!

 topbul.jpg

Hindi ko maisip kung pano napunta yun sa taas ng urinal LOL!!! Sana hindi ko kinamayan ang taong to nung araw na yan hahahahaha :)

Ew.

WTFOMGLOLZ!!!

Ang Blockbuster ng Taon…

May 9th, 2008

pioling.jpg

Ahahahahahhaa ang ganda ni Pioling!!! LOL Manang na manang ahehehe

Maraming salamat kay Gasoline Dude sa pag post nito sa

Greenpinoy Forums!

Marami pang tuload nito doon, kaya sa mga hindi pa nakakasali sa forums, sali na! :)

Meet and Greet Honey and Ruffa!

May 8th, 2008

honeymal.JPG

ruffa.JPG

Ahahahahaha hindi ko alam kung san nakuha to ng ka-opisina kong si Cholo pero sobrang tawa ako ng tawa ng makita ko ang mga to!

“Naniniwala ako na ikinaganda ko ang pagsuot ng clip.”

Hobbies: Manakot ng bata!

WTFOMGLOLZ!!!

Sa gumawa nito, ex mo sila? Ahehehehe

Maraming salamat Cholo para kay Honey and Ruffa! LOL! :)

Sa Defartment Store…

May 7th, 2008

Tanong: Ano ang gagawin mo pag obsessed ka crush mong artistang lalaki?

Sagot: Eh di gawin mo kung ano ang ginawa ng batang ito! LOL!!!

friendsterjoy.JPG

Talagang nagcomment sa Friendster account at nagpropose ng pag-ibig at nagyayang maghotel ahahahahahahhaa at take note, pag hihintayin pa nya ang artistang lalaki sa defartment store!

WTFOMGLOLZ!!! :)

Maraming salamat kay Joy from Dubey para dito! :)

Flash to Flash!

May 6th, 2008

flashtheflash.JPG

Ahahahahaha sobrang kulit ng nagsulat!!!

“Flash to flash” LOL!!!

At ang dapat daw gamitin eh yung maputla para mag flash LOL!!!

Oh meyn!

Maraming salamat kay Elaiza na pinsan ni Gasoline Dude na asawa ni…LOL!!!

Website ng Pilipinong Makulit of the Month! (May 08)

May 5th, 2008

Eto palang solve na ako LOL!!!

wow.gif

*Shake shake WOW!*

*Shake shake WOW!* 

*Shake shake WOW!* 

Ahahaha! Makulit itong grupong to! At ang tawag nila sa kanilang mga sarili ay…

gagi.JPG

At sila ang mga Pilipinong Makukulit para sa bwan na ito! :)

Mabuhay kayo mga Gagitos, kayo ay mga Pilipinong Makukulitos!!!

Itaktak si Manoy!

May 4th, 2008

dsc00856.JPG

Ahahahaha hindi naman masyadong bulgar ang nagsulat nito LOL!!! At kumusta naman ang hindi pagtaktak kay manoy? Eh ang brip naman ang nabasa LOL!!! 

Ganda pa ng ending…

“Hindi ka baboy kaibigan!”

Ahahahaha maraming salamat kay Pamela para sa litratong to! :)

Mrs Bean?!

May 3rd, 2008

Tanong: Ano ang first name ni Mrs. Bean, ang asawa ni Mr. Bean?

Sagot: Abrila.

Abrila Bean! LOL!!!

Hey hey you you I don’t like your girlfriend!

LOL!!!

Maraming salamat kay PB Abnoy para dito!!! 

Usapang lasing sa Labor Day LOL!

May 2nd, 2008

Lumalaki na talaga ang barkada ng mga mambabasa ng Greenpinoy.com!!! :)

Kagabi nagkitakita sina:

  1. Shaider
  2. Lito
  3. Ningning
  4. Belat
  5. Gloria
  6. Moja
  7. Sea men
  8. Tarug
  9. Diesel
  10. Gas Dude
  11. Baygon

At nanood sila ng IRON MAN! :))) Tapos, dumerecho sila sa pad ni Tarugs at dun nag-inuman! Syempre kung may inuman, may lasing!!!

Scene: Sabog na si Ningning.

Ningning: I’m not drunk! 

Tarugs: Spell WHAT!

Ningning: W…H…I…T!

LOL!!! Parang si Gas Dude lang sa beach!!! LOL!!!

 Iba talaga ang nagagawa ng Red Horse sa mga tao! Ahahaha :)

Maraming salamat sa mga sumama kagabi! Sobrang saya na naman at meron na naman tayon mga bagong kaibigan at bagong bangungot kasi nakita namin ang pwet ni Sea men!!! LOL!!!

Basura equals…

May 1st, 2008

Summer na summer na talaga! Sobrang init na, kaya lahat ng tao ngayon nagpupunta na ng mga beach!

At kung may beach, malamang may resort o may nagmamay ari. At kung may nagmamay-ari malamang may mga patakarang nakapaskil! LOL!

bonbon.JPG

Hahahaha nawindang ako dito LOL

Ang daming mali pero ang the best para sa aking ay kung ano ang basura sa English LOL!!!

Maraming salamat kay Shake your Bonbon para dito! :)

Totoo po ba ang multo?

April 30th, 2008

Junior: Tay…totoo po ba ang multo?

Tatay: Nako anak hindi totoo ang multo. Sino naman nagsabi sayo?

Junior: Si yaya.

Tatay: Anak…

….

WALA KANG YAYA!

Ahahahahaha shet!!! Katakot LOL!!!

Kung ako yung tatay hihimatayin siguro ako. Takot ako e. LOL!!!

 Maraming salamat kay Junelle para sa joke na to!

Hanapin nyo ako Part 2!!!

April 29th, 2008

edsa2-1.jpg

Kinuha to noong EDSA 2.

Oo, aaminin ko dati tibak ako LOL! ngayon sibak na hehehe

Andyan din yung ex girlfriend ko na kasama na nya yung bago nyang boyfriend! LOL!!!

Hanapin nyo ako sa litratong yan! :)

Libreng Cottage Daw!!!

April 28th, 2008

 103_3302.JPG

Ahahahahaha siguro lalaki ang may ari nitong resort na to. LOL!!! Eh kung lalaking naka bikini? Libre rin kaya? Hmmmmmm LOL!!!

Maraming salamat kay Jan mula sa Cagayan de Oro para…dyan. LOL! (sorry di ko mapigilan isulat yun LOL salamat kay Jan para dyan! LOL!!!)

Ang Bagong Ocho Ocho

April 27th, 2008

Dumalaw ang mga pamangkin ko kamakaylan lang at syempre, sa dinner table eh masayang kwentuhan! :)

Pero ang nagpalabas ng kanin mula sa ilong ko ay ang batang batang pamangkin kong si Jamie (sya yung nagsabing sinubo nya yung elephant sa zoo, ang ibig pala nyang sabihin ay ’sinubuan nya’ yung elepante! LOL!)

Jamie: Tito, tito. I saw a dog ocho ocho another dog!

Ako: Ha? (hindi ko agad nagets, pero nung nagets ko na…) Oh.

Ahahaha yun na pala ang tawag ng mga bata ngayon sa ginagawa ng mga aso!!!

*Tayo’y mag ocho ocho! Ocho ocho! Ocho ocho! Mag ocho ocho na!*

Mga bagong Selyo ng Panahon!

April 26th, 2008

1lem4.jpg

Ahahahahahahaha talagang kalahati?! LOL!!!

Maraming salamat kay Fionixe para sa mga selyo! :)

Superman Returns…with Piglet!

April 25th, 2008

super41.JPG

Ahahahahahahaha hindi na matatapos tong saga ni Superman!!! LOL!!! Eto na naman sya at iba na naman ang costume nya!

Aba, tinalo pa ako! LOL!!! Kasi sya all the way, wala talagang brief hehe

Maraming salamat uli kay Roxy para dito! :)

Superman Returns ng Bonggang Bongga!

April 24th, 2008

superhello.JPG

Ahahahahahahahahahahahahahahahahaha part 2 ni Superman na naka bikini!!! LOL!!!

At may ribbon pa talaga! LOL!

Napansin nyo ba ang kapa? Polka dots!!! At para sa naghahanap ng bakat, ayan na! LOL! Medyo hindi nga lang ganon ka super haha

Maraming salamat kay Roxanne para sa litratong ito! :)

 

He-mah-lah!

April 23rd, 2008

himala.jpg

Tatlong araw nang nagtitibe (constipation) si Nora. Sinubukan nya na ang lahat upang matae lamang. Kumain na sya ng bulok na mangga, ng fishball na nahulog sa sahig at ng dinuguang langaw. Ngunit hindi parin sya ma-jebs jebs. Kulay tae na nga sya e.

scene: kakalabas lang ni Nora sa banyo matapos ang isang oras na pag-upo sa trono

Pip: O Guy ano…success ba?

Guy: WALAAAAAAAH….WALAAAAAAHNG LUMABAS!!!

—end of scene—

Ahaahahahahahahahahahaha ewan ko sa inyo pero tawang tawa ako nung maisip ko to habang naliligo ako kanina LOL!!!

Rules to be Follows!

April 22nd, 2008

islaresorthazel.JPG

Ahahahaha! Bonggang bongga ang summer dito sa Isla Beach Resort!!! :) Naka beach ka na, nawindang ka pa!!! LOL!!!

Maraming salamat kay Hazel para sa litratong to! :)

Order ni Boss…

April 21st, 2008

bawaltumae.JPG

Ahahahahah bakit hiwalay yung “E”? May space naman. Katabi naman nya yung “TUMA”….

At meron kaya talagang jumejebs sa mga puno?

O baka naman para sa aso yung sign? LOL!!!

 Hmmmm ito ang mga katanungan na hindi masasagot sa buhay na ito…LOL!!!

Kapag tumibok ang puso! :)

April 20th, 2008

Ang saya kagabi! :)

Kain, inom, kulitan! At narito ang mga litrato!!! :)

dscn1600.JPG

dscn1603.JPG

Ang grupo! :)

Greenpinoy, PB, Chroneicon, Gasoline Dude, Greyweed, Jeckass, Damdam na natakpan ni Mariano, Lethalverses

dscn1601.JPG 

Chroneicon at PB…bagong love team?!

dscn1611.JPG 

PB and Greenpinoy…walang shabu kaya kilikili nalang.

dscn1604.JPG   dscn1605.JPG

PB…dating lalaki. Damdam…dating puti.

dscn1606.JPG   dscn1607.JPG

Mariano…mariana? Pati si Lethalverses nabading.

 dscn1609.JPG

Jeckass and Greyweed, sweet.

dscn1610.JPG

Gasoline Dude…ayan na…sinasapian na sya…awooooo.

dscn1612.JPG

dscn1613.JPG

Karaoke time!!!

chrone.JPG 

Close up ni Jabi!

dscn1639.JPG 

Bat ganon mukha ni Chrone? Trishie o…

Gasoline Dude: Rexona ito. LOL!!!

 dscn1646.JPG

Lethal Moment: What went wrong?!?!

dscn1650.JPG 

At malapit nang magunaw ang mundo. SIBAKAN NA!!! LOL!!!

Masayang masaya ako kagabi! Kaya maraming maraming maraming salamat sa mga dumalo sa unang malakihang EB ng greenpinoy!!! Hanggang sa susunod!!! :)

But wait! There’s more!

 dscn1608.JPG

Wawa.

LOL!!!

EB TONIGHT!!! :)

April 19th, 2008

Tuloy na tuloy na ang unang malaking EB ng mga Greenpinoy.com readers!!! :)

Meeting place: Starbucks GREENBELT 3

Oras: 630 PM

Ano gagawin? Magkukulitan!!! :) Tapos iinom. Tapos sigurado may mga iiyak…Chroneicon? LOL!!!

Punta sa forums para iba pang detalye (andun din telepono ko para ma-contact nyo ako kung sakaling sasama kayo :))

Kita-kita mamaya!!! Weeeeeehoooooooo!!!

I Just Need 5 Things…

April 18th, 2008

 piolonew1.jpg

Piolo:

I just need 5 things to live…

Some friends…

Some food…

Some work…

Some love…

And some…

Milby.

Ahahahahaahha sweet naman nyan ng bonggang bongga papa! LOL!!!

Panget na Ex!

April 17th, 2008

Lalaki: Mahal, yan ang dati kong girlfriend.

Babae: Ang pangit pangit naman!

Lalaki: Wala akong magagawa, yan talaga ang weakness ko ever since…

Ahahaaaaay LOL!!! Na-gets kaya ng girlfriend? LOL!!!

dance011.gif   dance011.gif   dance011.gif

Eto na ang mga litratong makukulit!!!

April 16th, 2008

Mga litrato mula sa Anawangin, Zambales! Maraming salamat Gasoline Dude para sa mga to!!! :) 

anawangin.gif

“May mumu!!!”

 grouppic1.JPG

Ang isang malaking barkada! Mga matagal at bagong KAIBIGAN! :)

bff1.JPG 

Ang mga LASING HEROES! (Maraming salamat Jim sa pagbigay ng pangalan namin LOL!!!) *Tignan nyo naman ang kapit ni Gasoline Dude sa mga hita namin ni Lethalverses! LOL!*

Marami pang binigay sa Gasul na mga litrato pero mukhang kahiya-hiya ng ilagay dito hahahaha abangan nyo nalang baka ilagay nila sa blog nila LOL!

Muli, maraming salamat sa mga kasama namin sa Anawangin at sana ay muli tayong magkita-kita!

At maligayang paglalakbay para sa aming kaibigang si FAITH na sobra sobrang bonggang bonggang mag-gitara at kumanta! :)

May Ulo ang P…

April 15th, 2008

Masaya sa Anawangin. Hindi lang dahil sa maganda ang beach at masaya ang mga kasama kundi pati mga signs doon eh masaya rin LOL!

Tulad nalang nitong sign na nakapaskil sa may bombahan (poso ito, wag bastos ang isip, pero kung naisip nyo mang hubaran e pwede rin kasi dito naliligo ang mga tao hehehe).

ulongpuso1.JPG

Ayos diba? Dati ang alam kong may ulo lang e tao at etits hahahahahaha pati pala puso may ulo!!! So ibig sabihin, may ulo rin ang saging! Kasi sabi nga ni Mark Lapid ang saging, may puso! Nyeee! LOL!!!

Usapang lasing sa beach LOL!

April 14th, 2008

Isang bonggang bonggang pasensya at hindi ako nakapag post ng dalawang araw! *hithit ng hangin…dalawang araw pala!!!*

Ito ay sa kadahilanang nagpunta ako sa Anawangin Cove, Zambales (napakaganda ng lugar, pictures to be posted soon!) kasama sina Lethalverses, Chroneicon at si Gasoline Dude! Kasama rin namin ang aming mga ka-opisina, parang isang inter company outing LOL

Syempre, ano ba naman ang gimik sa beach kung walang inuman?

Fast forward tayo nang medyo sabog na si Gasoline Dude! LOL!!!

Saan: Sa shore, malapit sa tubig, medyo malayo sa camp site.

Gasoline Dude: I’m not DRUNK!

Lethalverses: Spell mo nga pangalan ko!

Gasoline Dude: L-E-T-H-A-L-V-E-R-S-E-S!

Ako: Galing! Yung akin naman!

Gasoline Dude: G-R-E-E-N-P-I-N-O-Y!

Lethalverses: Yung kay Chroneicon?

Gasoline Dude: C-H-R-O-N-E-I-C-O-N!

Lethalverses: Ayos! Spell “WHAT”!

Gasoline Dude: W-H——-Y!

Ahahahahahahahahahahaha hindi pala lasing ha! LOL :)

Sobrang saya ng dalawang araw namin doon! Kaya ngayon eto, wala akong boses at nognog kung nognog LOL!

Maraming salamat sa lahat ng mga kasama namin sa Anawangin! Hanggang sa muli nating paglalakbay!!! :)

HAPPY BIRTHDAY WWW.GREENPINOY.COM!!!

April 11th, 2008

Opo mga kapatid!

Ngayong araw ay isang taon na ang www.greenpinoy.com!!!

untitled_0003_0001.jpg 

At sa loob ng isang taon:

  1. Meron na tayong mahigit sa 5 million HITS!!!
  2. 685 YouTube Subscribers!
  3. The Greenpinoy Show sa www.projectube.com!
  4. New and Improved Forums!
  5. Number 3 na tayo sa listahan ng Kwentong Barbero!
  6. At higit sa lahat, maraming tayong naging mga bagong kaibigan!!!

Nagpapasalamat ako sa inyong lahat sa walang pagod na pagsuporta sa www.greenpinoy.com! Sana sa susunod pang mga taon eh magkakasama parin tayo sa kulitan at tawanan! Pwede ring mag-iyakan pero pag lasing na! :)

Meron akong maikling video na ginawa bilang pasasalamat sa inyong lahat! Mapapanood ito sa The Greenpinoy Show bukas sa www.projectube.com! :)

Sabay sabay nating isigaw:

MABUHAY ANG PILIPINONG MAKULIT!!! :)

Age Doesn’t Matter, Lola!

April 10th, 2008

soory.jpg

Ahahahaha ang tindi ni Lola! Tinalo pa ako! Ako nga hindi marunong mag counter strike! LOL!!!

Maraming salamat kay Wayne para sa cartoons na to! :)

Hanapin nyo ako!!!

April 9th, 2008

Mahirap na ang hindi masali sa picture LOL!!!

whereami.JPG 

Di nyo makita? Promise andyan ako LOL!

Isa ito sa maraming maraming litrato kong lasing hahahahaha

Maghanda na tayong lahat para sa APRIL 19!!!

Be Creative!!!

April 8th, 2008

Basahin nyo nalang! LOL!

 paalalabyhazek.JPG

Ang lakas ng trip ng nagsulat. Kung ano man yung tinira nya bago nya to isulat, gusto ko rin!!! LOL!!! 

Maraming salamat kay Hazel para sa litratong ito! Sana hindi mo kamag-anak ang gumawa nito LOL!!!

GP, GD, LV and CI

April 7th, 2008

Wala lang nagkita-kita lang kami LOL!!!

 minieb.JPG

Gasoline Dude, ako, Chroneicon, Lethalverses (LV, ano yung nasa bibig mo?)

dsc_0730.JPG

Makulit, masaya, LASING! LOL!!!

Kaya sa April 19, magkita-kita tayong lahat para sa isang Greenpinoy Readers’ EB! :)

Ang mga detalye ay nakalagay sa Forums!

Photos by The Gasoline Dude :) Salamat!

Kwentong Barbero!

April 6th, 2008

Eto hindi.

Kahapon nakita ko sa www.kwentongbarbero.com na nasa NUMBER 3 na pala tayo sa ranking ng 10 PinakaDaBest na Humor Blogs ng Pilipinas!!! :)

kwentonbranking.JPG

Mula sa dating 12-13, umakyat ang www.greenpinoy.com ng sampung…ano tawag dun? LOL basta sampu ang inakyat!

Kaya nagpapasalamat ako sa inyong lahat na bumoto, bumuboto at buboto pa para sa www.greenpinoy.com!!!

Lahat ng mga patawang nandito ay para, at dahil, sa inyo! :)

MABUHAY ANG PILIPINONG MAKULIT!!!

HABULIN NATIN SI INDAY!!! LOL!!!

My Alma Mother

April 5th, 2008

Nasa SM ako ng makitang kong naka-upo sa silya si Alma Moreno.

At dahil ang dami dami ng nagsasabi sa akin na kamukha ko si Vandolph (mula nung bata ako hanggang ngayon, sa school, sa trabaho, sa YouTube, dito…), minarapat kong sabihin ito sa kanya.

Ako: Hello po.

Lovely Ness: Hi!

Ako: Kasi po mula noon pa ang dami dami ng nagsasabi sa akin na kamukha ko daw po si Vandolph!

Lovely Ness: Kasi parehong bilog ang mukha! Hihihi!

Ako: Oo nga po. Pwede ho bang magpapicture?

Lovely Ness: Halika dito anak!

Ahahahahahaha yan ang nangyaring usapan namin at nagpapicture nga kami. At take note, sa SM to. Ahahahahahahaha eh ano naman. LOL!!!  

Greenpinoy and his Alma Mother!

alma.JPG

Your Talong, para kay Ramiele Malubay :)

April 4th, 2008

Website ng Pilipinong Makulit of the Month! (April)

April 3rd, 2008

Kung ikaw ay masaya pumalakpak ka! Kung ikaw ay masaya pumalakpak ka! Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay sisigla, kung ikaw ay masaya wag kang bibisit dito sa website ng ating Pilipinong Makulit of the Month dahil baka masobrahan ka na ng saya!

lethal1.JPG

Sya si LethalVerses. At hindi lang dahil kaibigan ko sya ahehehhehe (yung libre kahit mamaya na dude), pero dahil talagang makulit tong taong to! Masarap ka gimik at ka poker! Sya nga rin pala yung kasama kong nagluto ng Poker Special hehe

Tignan nyo ang kusina nya, ang kulit din!

bagonglipat03.jpg

Ahehehe.

Kaya Mabuhay ka LethalVerses! Isa kang Pilipinong Makulit!

Greenpinoy sings with Sitti Navarro!

April 2nd, 2008

Nagkita kami ni Sitti sa kwarto nya sa Manila Penn bago sya magshow para sa isang maikling interview.

Kahit sobrang nagmamadali na sya para sa show nya e pumayag syang magpa-interview.

Wala akong ibang masasabi tungkol sa kanya kundi isa syang napakabait na tao! Kahit sandali lang kaming nagusap e mararamdaman mong napaka down to earth, walang arte at sinsero syang tao. Bonus na siguro na sya ay napakagaling kumanta, maganda at sexy! :)

20080402083103_0001.jpg

Mapapanood ang buong interview sa The Greenpinoy show on www.projectube.com sa Sabado! :)

Sitti, kung binabasa mo ito (sana hehe) maraming maraming maraming salamat sa iyong pagunlak sa akin ng isang napakasayang interview!!! :)

Special thanks to Pau of Projectube for setting up the interview! Thanks a million Pau!!!

Paalam mga kaibigan.

April 1st, 2008

Pinagalitan ako ng boss ko kanina.

Apparently may nagsumbong sa kanya tungkol sa mga videos ko sa YouTube na kuhang opisina.

Pinatawag nya ako sa office nya at ayun nga, pinagalitan ako. Bakit daw ako naggagaganon sa opisina eh binabayaran naman ako ng maayos para magtrabaho.

Wala naman akong masabi.

Sabi nya tanggalin ko daw yung mga videos ko sa YouTube at tigilan ko na ang Greenpinoy dahil daw nakaka-istorbo ito sa trabaho ko.

Kung hindi ko daw ginawa ang mga yun, sisisantehin ako.

Hindi naman ako pwedeng mawalan ng trabaho kayo ititigil ko muna ang Greenpinoy sandali hanggang sa lumamig ang mga bagay bagay. Pati mga videos ko e tatanggalin ko narin.

Maraming salamat sa inyong lahat at sa loob ng isang taon e naging magkaibigan tayo. Sana pagbalik ko e suportahan nyo parin ang Greenpinoy.com.

Muli, maraming salamat at Happy April Fool’s Day.

Nagmamahal,

Greenpinoy

JOKE LANG! HAPPY APRIL FOOL’S DAY NGA E LOL!!! TULOY ANG LIGAYA!!! LOL!!!

Wow! Pang Pa-init!!!

March 31st, 2008

Huwaw!!! Cleavage!!!

Click mo ang litrato para lalo ka pang mag-init!!!

 pampainit1.jpg

Matagal tagal narin tong kumakalat sa internet at sa pagbabasa ko ng lumang email, nakita ko to! Muli akong napatambling!

Sabay sabay tayong magpa-init!!! LOL!!!

Superman Returns Again!

March 30th, 2008

Nilabas na ang bagong costume ni Superman para sa pinakabagong Superman movie! Sabi nila magiging mas daring daw si Superman ngayon para makasabay sa pagbabago ng panahon!

Eto na ang special preview ng bagong costume ni Superman!!!

superman4.jpg 

Ahahahahahahaha daring nga!!! Baka mabading naman si Lex Luthor nito! LOL!

Maraming salamat kay Jaired para litratong ito! :) 

 

Kumakain ka ba ng mais?

March 29th, 2008

Kapag may kausap kang nag jo-joke at hinde ka matawa-tawa…

Ikaw: Kumakain ka ba ng mais?

Kausap: Hinde! Bakit?

Ikaw: Kasi.. and corny mo!

LOL!!! Ang corny na pangbara sa mga corny!!!

Maraming salamat kay Nica from YouTube para sa joke na to! :)

The Greenpinoy Dance Contest (Jokefest)

March 28th, 2008

Para sa mga hindi nakapunta nung Jokefest for the Dateless! :)

Sino kaya nanalo? Panoorin bukas sa Episode 5 ng The Greenpinoy Show!

Ang tunay na SUPERHERO!

March 27th, 2008

Walang binatbat si Batman dito. Wala ring binatbat si Superman sa lalaking ito.

Bakit? Dahil sya si… 

batsup.JPG

Ahahahahahahha langya! ID nya to. Di kaya nawiwindang ang mga pinagpapakitaan nya nito?  

LOL! Ang tindi!!!

Maraming salamat kay Fionixe para sa litrato ni Batman Bin Suparman! :)

Vulture Thin!

March 26th, 2008

Nakita ko to sa likod ng isang chane LOL!!! Nawindang na naman ako nung binasa ko yung nakasulat. Intindihin nyo nga ahahahaha

vulturethin.JPG 

Nagets nyo ba kung bakit ginamit ang “vulture thin”?

Ako hindi LOL!

Wag magtaka :)

March 25th, 2008

Sa mga nakabasa na ng una kong post ngayong araw, minarapat kong tanggalin ito dahil nalaman kong may sakit pala si Cory, at seryoso ito. Pagpasensyahan nyo na at hindi ako nanonood ng news hehe kaya’t hindi ko alam ang lagay ng dating presidente. Maraming salamat kay Myk na nagsabi sa comments kung hindi, hindi ko pa malalaman na medyo wrong timing ang joke :)

 Wag kayong magtaka kung bakit si Gloria na ang nakalagay!

 imeldagloria12.jpg

Kayo, ano sa tingin nyo ang sinasabi o iniisip ni Imelda? O kaya ni Gloria? LOL!!!

Forgive me Father for I have sinned!

March 24th, 2008

Lalaki sa confession: Father forgive me for I have sinned! I’m always sexually preoccupied and often read dirty jokes and graphics from my cell phone!

Pari: My child…ipadala mo naman sa akin ‘yung iba.

LOL!!! Si Father talaga! :)

Happy Easter!!!

March 23rd, 2008

bach-gpeastersm.jpg

Happy Easter sa ating lahat! :)

Weeeeeeee are pamilee LOL!!!

March 22nd, 2008

Masaya ako dahil dumalaw dito ang mga pamangkin ko :) Matagal-tagal ko narin silang di nakita! :)

Ano ginagawa namin pag nagkikita kami?

Nagfifeekture!!!

Ng maraming maraming marami! LOL!

Eto ang konti sa aming mga kalokohan! :)

whack1sm.jpg 

whack2sm.jpg

whack3sm.jpg

whack4sm.jpg

whack5sm.jpg

Ahehehehe ang saya saya! :)

Starring: Greenpinoy, Pizzapattee and Paopao!

Araw ng katahimikan :)

March 21st, 2008

Bilang pagrespeto sa araw na to, wala muna akong post :)

Bukas pwede na uli, sasabayan ko ang pagbukas ng mga mall LOL :)


The Greenpinoy Show!

The Greenpinoy Forums!







Greenpinoy on YouTube!

Mabuhay ang Pilipinong Makulit!



The www.greepinoy.com readers' photo gallery!
The www.greepinoy.com readers' photo gallery!

Si Bertong Libag!



To the BATCAVE!!!

Jason Tengco Photography

Best Blogs in Asia

Humor Blogs - Blog Top Sites

A Pinoy Blogger

Blog Flux Directory

Add to Technorati Favorites

Pinoy Blogosphere

Humor Blogs - Blog Catalog Blog Directory

Proudly Pinoy!

Google